Part 12 - "The Forgiveness of Sins"

The Apostles' Creed  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 89 views
Notes
Transcript

Communion of Saints (and Sinners)

Ang church ay holy. Isa ‘yan sa katangian ng church ayon sa pagkakalikha ng Diyos: “the holy catholic church,” ayon sa Apostles’ Creed. At sa tuwing nagtitipon tayo every Lord’s Day, dapat alalahanin natin na hindi lang tayo ang sumasamba, kundi maraming churches sa buong mundo. Yun ang sense ng “catholic.” Isa pa, every time we gather, ipinapakita natin na tayo ay nakahiwalay sa mundo, at ang mga kasama natin ay mga “banal” o “santo.” Yun ang sense ng “communion of saints” sa Creed. We are “a holy nation” (1 Pet. 2:9). We are saints, kahit hindi tayo “beatified” or “canonized” by the Roman Catholic Church. Tulad ng designation ni Paul sa church in Corinth, “those sanctified in Christ Jesus, called to be saints together with all those who in every place call upon the name of our Lord Jesus Christ, both their Lord and ours” (1 Cor. 1:2). “Saints together,” kasali tayo dun. Ako nga pala si St. Derick. Katabi mo nga pala si Sta. Cora. Eto nga pala si Sto. Venerando. Baka natatawa tayo, pero totoo ‘yan.
O baka yung iba kinikilabutan. Naku, pastor, kung alam mo lang ang mga nagawa kong kasalanan. E ako nga, kung alam n’yo lang din! Parang hindi “fitting” na tawagin tayong “santo” o “santa.” Yung iba sa inyo, nitong isang araw lang, nanood ng porn, o nag-aksaya ng oras sa Netflix, o may galit at sama ng loob at hindi pa rin makapagpatawad sa kapamilya, o kung gumastos ng pera parang sarili na lang niya ang mahalaga. Kinikilabutan tayo kasi alam natin na nagkakasala pa rin tayo. Anak tayo ng Diyos, pero sumusuway sa ating Ama. Tinatawag tayong tagasunod ni Cristo, pero nagiging pasaway. Nasa atin na ang Banal na Espiritu, pero parang kulang sa fruit of the Spirit at defective pa rin sa pagiging Christ-like. Nagiging “worldly” sa halip na “holy.” Tulad ni Pablo, minsan yung mabuting dapat gawin hindi yun ang ginagawa natin, at yung masama na di dapat gawin yun pa ang ginagawa (Rom. 7:19). Napapasigaw tayo, “Wretched man that I am!” (v. 24).
Buti merong good news. “Thanks be to God through Jesus Christ our Lord” (v. 25)! Makasalanan tayo, sukdulan ang kasalanan natin, but “Christ Jesus came into the world to save sinners” (1 Tim. 1:15). Good news ito kasi hindi pala solusyon yung mag-exert tayo ng more effort para maging better Christians tayo, although siyempre kailangan natin ng effort, kesa naman walang effort. Pero anumang effort natin to live holy lives, and to fight remaining sins sa buhay natin, dapat manggaling sa good news of the gospel. Kaya significant yung next line sa Creed, “the forgiveness of sins” o “kapatawaran ng mga kasalanan.” Sa Latin, remissionem peccatorum. Lahat tayo ay makasalanan, pero pinatawad tayo ng Diyos nang nagsisi tayo at sumampalataya kay Cristo. Nagkakasala pa rin tayo, pero patuloy na nagsisisi at binabago ng Diyos. So yung church is a communion of saints and sinners. Saints tayo hindi dahil we are more righteous than other people, but because we are a family of forgiven sinners.

Forgiveness needed

Bago natin ma-appreciate kung bakit itong “forgiveness” ay good news, dapat muna nating makita na kailangan natin ng forgiveness. Kailangan natin dahil sa kasalanan natin. Ano ba ang kasalanan? Ang sagot ng Westminster Shorter Catechism, “Sin is any want of conformity unto, or transgression of, the law of God” (Q. 14). Kung hindi ka nakaabot sa pamantayan ng kautusan ng Diyos, o kung nilabag mo ang kautusan ng Diyos. “Sin is lawlessness” (1 John 3:4). Ngayon, maraming tao ang liit-liit ng tingin sa kasalanan. Para lang daw itong sakit. O, tao lang kaya ganun. O, maiintindihan naman ng Diyos yun, mapagmahal naman siya. No wonder we are not amazed by the gospel of grace.
Maliit ang tingin natin sa kasalanan dahil maliit ang tingin natin sa Diyos, at sa kabanalan ng Diyos. Sukatin natin ang laki ng kasalanan natin not by comparing ourselves with other people (mas okay ako kesa sa kanya), or comparing ourselves with our life before (mas okay ako this year compared to five years ago), but by standing face to face with the holiness of God. Kapag nakita mo ang nakita ni Isaiah, sasabihin mo rin, “Woe is me!” (Isa. 6:5). O yung sinabi ni Pedro kay Jesus, “Depart from me, for I am a sinful man, O Lord” (Luke 5:8). Lahat tayo ay nagkasala at hindi nakaabot sa pamantayan ng Diyos (Rom. 3:23), at hindi natin nabigyan ng karangalan ang Diyos gaya ng nararapat (Rom. 1:23, 25). Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Rom. 6:23). Dahil medyo nagiging normal na rin ang tingin natin sa kamatayan, dapat makita natin yung horror nito, yung bigat ng parusa ng Diyos, yung tindi ng poot niya (Rom. 1:18). Sa mga hindi sumusunod sa katotohanan, sa mga namumuhay sa kasamaan, “there will be wrath and fury” (Rom. 2:8). Sa mga hindi sumusunod kay Cristo, “the wrath of God remains on him” (John 3:36). Kaya nga kung patay tayo dahil sa kasalanan, we were “by nature children of wrath, like the rest of mankind” (Eph. 2:3). People dismiss God’s wrath—kasi loving daw ang Diyos—kasi ang liit ng tingin natin sa kasalanan. Ang liit ng tingin natin sa kabanalan ng Diyos.
Hindi good news ang forgiveness sa ‘yo kung hindi mo naman inaamin na ito ang pinakamalaking pangangailangan mo dahil ang laki ng kasalanan mo. Sabi ni Albert Mohler, “The reality of our sin must be seen in all its horror. Without grasping our need and the gravity of our sin, we will never understand the truly insatiable beauty of what it means for our sins to be forgiven” (The Apostles' Creed, p. 177). Tulad ng panalanging ito, “Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan, lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan. Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa iyo ay matakot” (Psa. 130:3-4 MBB).

Forgiveness promised

Paano tayo napatawad ng Diyos? Hindi dahil nagbago na tayo, hindi dahil pinagsikapan natin itong makamit, hindi dahil pinagtrabahuhan natin ito. Ang dahilan ay nasa Diyos, wala sa atin. Pero wag nating sabihing, “Diyos siya, trabaho niya na patawarin tayo.” Wala namang obligasyon ang Diyos na patawarin tayo. Kung hindi patatawarin ng Diyos ang mga makasalanan, makatarungan lang. Kung parurusahan, tama lang. Kung basta-basta isasantabi lang ang kasalanan natin, yun ay paglapastangan sa sarili niyang karangalan. He will cease to be God worthy of reverence and worship kung ganun. Hindi na siya magiging Diyos, dahil kinokontra niya ang sarili niyang righteous character.
So, kung magpapatawad ang Diyos, it is out of his free and sovereign and gracious will. Awa lang ng Diyos. Ipinangako niya na patatawarin ang makasalanan. Sa haba-haba ng listahan at kasaysayan ng kasalanan ng mga Israelita, ang bayang pinili, ganito pa ang ipinangako niya: “Lilinisin ko sila sa lahat nilang kasalanan at patatawarin sa kanilang paghihimagsik laban sa akin” (Jer. 33:8); “Patatawarin ko sila sa kanilang kasalanan at kalilimutan ko na ang kanilang kasamaan” (Jer. 31:34).
At ang pangakong ito ay nanggagaling o overflow ng kanyang compassionate character:
Wala nang ibang diyos na tulad mo, O Yahweh. Pinapatawad mo ang mga kasalanan ng mga nakaligtas sa bayan mong pinili. Hindi nananatili ang iyong galit magpakailanman. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pag-ibig. Muli mo kaming kaaawaan. Tatapakan mo ang aming mga kasalanan at ihahagis sa kalaliman ng dagat. (Mic. 7:18-19)

Forgiveness accomplished

Nangako siya. Tutuparin niya. Pero hindi basta-basta pwedeng sabihin lang ng Diyos, “Pinatawad ka na.” Although sasabihin ng iba, bakit hindi ba pwedeng magpatawad ang Diyos na walang kundisyon o walang bayad? Tayo nga, sinasabi niya na magpatawad tayo kahit walang kapalit o kabayaran. Bakit siya hindi? Kasi nga Diyos siya. Banal. Hindi pwedeng basta isantabi lang ang kasalanan na hindi nasasalungat ang katuwiran at katarungan niya.
Tulad kay David. Nagkasala siya kay Batsheba at Uriah. Inamin niya ang kasalanan niya. Pinatawad siya, “The Lord has put away your sin; you shall not die” (2 Sam. 12:12-13). O, pwede palang ganun-ganun lang? No, hindi yun ganun-ganun lang. Dapat tayo na nagkasala ang mamatay. Kaya merong kailangang magbayad at umako ng kasalanan natin. Kaya merong mga sacrifices na hayop sa kautusan sa Old Testament, bilang handog na kabayaran para sa ikapagpapatawad ng kasalanan. Pero hindi sapat ang dugo ng hayop to take away sins (Heb. 10:4). Anino ito ng Tupa na darating, “the Lamb of God who takes away the sin of the world” (John 1:29). Tao ang nagkasala, tao rin ang dapat magbayad. Hindi yung anak ni David na namatay ang katugunan dun (2 Sam. 12:14), bagamat naging consequence yun ng kasalanan ni David. Ang nag-iisang tao na makasasapat para tugunan yun ay ang greater Son of David, na siya ring Suffering Servant sa Isaiah 53.
Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap. (Isa. 53:5-6)
Pero hindi pwedeng basta tao lang, hindi niya kakayanin ang bigat ng parusa ng Diyos. Kaya ang naging katugunan para sa kasalanan natin ay walang iba kundi ang Anak ng Diyos na nagkatawang tao. Eto yung nauna na nating binigkas sa Apostles’ Creed: “I believe...in Jesus Christ, his only Son, our Lord; conceived by the Holy Spirit, born of the virgin Mary; was crucified, dead and was buried...” Merong kapatawaran ng kasalanan dahil si Cristo ang kabayaran sa ating mga kasalanan. Tayo dapat ang burahin sa mundong ito, pero kasalanan natin ang binura ng Diyos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak. “God, instead of wiping out rebels, wipes out our sins. He wipes them out with the blood of his beloved Son” (Michael Bird).
Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak “upang pawiin ang kasalanan” (Rom. 8:3). Namatay si Cristo “upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng handog na kanyang inialay” (Heb. 9:26). Natupad ang ipinangako niyang pagpapatawad sa pamamagitan ni Cristo, “‘Kalilimutan ko na ang kanilang mga kasalanan at kasamaan’ (citing Jer. 31:34) Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan” (Heb 10:17-18).

Forgiveness received

Ginawa na ni Cristo ang hindi natin magagawa. But it doesn’t mean na lahat ng makasalanan ay pinatawad na. Accomplished na yung redemption natin sa pamamagitan ng ginawa ni Cristo: “It is finished.” Pero kailangang i-apply yun individually sa atin. Yun ang significance ng resurrection, ascension at session: “on the third day he rose again from the dead; he ascended to heaven and is seated at the right hand of the Father Almighty.” Bumaba ang Holy Spirit gaya ng ipinangako ni Cristo. Yun ang ministry ng Holy Spirit: to apply Christ’s redemptive work for his people. Siya yung “the Spirit of truth” na gagabay sa mga disciples ni Jesus para malaman ang katotohanan (John 16:12), katotohanan tungkol sa sarili natin at sa mga kasalanan natin (v. 8), at katotohanan tungkol kay Cristo at sa pagliligtas na ginawa niya (v. 14).
Kitang-kita ito nang bumaba ang Espiritu noong araw ng Pentecost. Napuspos ng Holy Spirit ang mga disciples. Nangaral si Pedro. He preached Christ and his death and resurrection. Nabagbag ang damdamin nila, work ng Spirit ‘yan. Tinanong nila, “Ano ang gagawin namin?” Sinabi ni Pedro, “Repent and be baptized every one of you in the name of Jesus Christ for the forgiveness of your sins, and you will receive the gift of the Holy Spirit” (Acts 2:38). Merong forgiveness of sins, pangako ng Diyos ‘yan. Pero walang forgiveness kung walang repentance. Hindi ito yung basta nag-sorry ka lang, or feeling guilty, o nalungkot ka lang, kundi yung taos pusong pagkilala na makasalanan ka at kailangan mo ng Tagapagligtas.
Tandaan mo, hindi ang pagsisisi mo ang basehan ng pagpapatawad ng Diyos sa ‘yo. Kundi ang pagbabayad na ginawa ni Cristo sa krus. Pero mahalaga ang repentance and faith. Parehong response ‘yan, hindi pwedeng paghiwalayin. In repentance, you turn away from sin. In faith, you turn to Christ. Siya ang Tagapagligtas.
Pero bakit merong “baptism”? “Repent and be baptized,” sabi ni Peter. Kasi yung baptism ay expression or public profession na repentant ka nga. Pero hindi lang yun. Ito rin ay “sign and seal” (tanda at marka) na nasayo na ang pagpapatawad ng Diyos. Sa baptism, ipinapakita sa paglubog sa tubig na inilibing ka na kasama ni Cristo, at sa pag-ahon na ibinangon ka na kasama ni Cristo, “God made alive together with him, having forgiven us all our trespasses” (Col. 2:12-14). Hindi baptism ang makapagpapatawad ng kasalanan, bagamat tinatawag itong “washing away of sins” (Acts 22:16). Ito ay tanda at tatak na ikaw ay pinatawad na. What can wash away our sins? Nothing but the blood of Jesus.
Kung tulad ni David, inamin mo, “I have sinned against the Lord” (2 Sam. 12:13). Na ang mga kasalanan mo ay, unang-una, paglapastangan sa Diyos, “Against you, you only, have I sinned and done what is evil in your sight” (Psa. 51:4), patatawarin ka. Sasabihin niya sa ‘yo, “Your sins are forgiven” (Luke 7:48; 1 John 2:12). Kung baga sa korte, abswelto ka na. Kung baga sa utang, burado na. Kung baga sa isang relasyon, ayos na. Ito ang totoong “blessed”—not defined sa dami ng pera mo o social status mo o popularity mo:
Psalm 32:1–2 ESV
Blessed is the one whose transgression is forgiven, whose sin is covered. Blessed is the man against whom the Lord counts no iniquity, and in whose spirit there is no deceit.
Gaano man kasayang marinig, “You are forgiven,” hindi pa ‘yan ang pinakamagandang balita. We are more than just forgiven. We are justified. Kasali yung forgiveness sa justification, but it is far richer. Hindi lang burado ang utang, hindi lang nahatulang walang sala. Kaya ang sagot ng Heidelberg Catechism sa Question 56, “Ano ang pinaniniwalaan mo tungkol sa ‘kapatawaran ng mga kasalanan’?”:
Na ang Diyos, batay sa ginawa ni Cristo, ay hindi na aalalahanin pa ang aking mga kasalanan, pati na ang aking makasalanang kalikasan, na kinakailangang paglabanan ko habang ako’y nabubuhay; subalit bunsod ng Kanyang kagandahang-loob ay ibinibilang Niya sa akin ang katuwiran ni Cristo, upang ako’y hindi na hatulan sa hukuman ng Diyos. (https://bastionoftruth.webs.com/Resources/katesismo.htm)
Justification is not just forgiveness but “forgiveness plus; it signifies not only a washing out of the past but also acceptance and the gift of a righteous man’s status for the future” (JI Packer, chap. 16). ‘Yan na ba ang kalagayan mo ngayon? Kay Cristo ka lang ba nagtitiwala na siyang kapatawaran at katuwiran mo? Kung hindi pa, humingi ka ng awa sa kanya, “God, be merciful to me a sinner!” (Matt. 18:13-14). Huwag kang uuwi ngayon na hindi pa naririnig ang sinasabi sa ‘yo ng Diyos, “You are forgiven. You are justified.”

Forgiveness needed daily

Yung iba sinasabi hindi na raw kelangan ng repentance ngayon kasi pinatawad ka na. Yes, pinatawad na tayo. Hindi na magbabago yun. Objective fact na yun. Hindi na babawiin ng Diyos, hindi na tayo mababalik sa un-forgiven status. Pero araw-araw nagkakasala pa rin tayo, nagdududa sa justified status natin, nadudungisan ng kasalanan, at kailangang araw-araw na mailapat ang benefits ng forgiveness sa atin.
Daily confession of our sins is part of what it means to walk in the light (1 John 1:7). Dahil ang Diyos ay liwanag, and our Savior is the light of the world. Yes, we are a fellowship of sinners, pero tayo rin ay “communion of saints.” So, if we walk in the light, “we have fellowship with one another, and the blood of Jesus his Son cleanses us from all sin” (v. 7). Hindi natin pwedeng sabihing wala na tayong iko-confess na kasalanan. Niloloko natin ang sarili natin kapag ganun, “and the truth is not in us” (v. 8). So, ang katotohanan na tayo’y nananatiling makasalanan, at ang Diyos ay nananatiling mapagpatawad sa mga makasalanan, ang nag-aanyaya sa atin to come to the light and be honest with ourselves, with God, and with our fellow sinners-and-saints. 1 John 1:9, “If we confess our sins, he is faithful and just to forgive us our sins and to cleanse us from all unrighteousness.” He is faithful, kasi ipinangako niya na patatawarin tayo. Just, kasi hindi na niya tayo pwedeng parusahan dahil may nagbayad na ng kasalanan natin (Rom. 8:1, 3).
So, when you read Genesis 39-50 this week, tingnan mo kung paano nito ineexpose kung ano yung mga kasalanan sa puso mo at mga nagawa mo nitong mga nakaraan. Tapos, sabihin mo sa Diyos, “Father, patawad po sa kayabangan ko, sa bitterness sa puso ko, sa kakulangan ng tiwala ko sa ‘yo, sa pagrereklamo ko. Please forgive me.” Ganun din at the end of the day, isipin mo kung ano ba ang mga kasalanang nagawa mo buong araw, humingi ka ng tawad sa kanya. At tanggapin mo ang pagpapatawad niya sa ‘yo, dahil lang sa ginawa ni Cristo, hindi dahil nangako ka na pagbubutihin mo na, o babawi ka sa kanya.
Pero yung confession ay hindi lang private matter. Yung sasabihin mo, “Sa ‘min na lang ‘to ni Lord.” Kaya ginagawa natin during corporate worship. Kasi yung prayer na itinuro sa atin ni Jesus ay hindi lang individual but corporate, “Forgive us our debts, as we also have forgiven our debtors” (Matt. 6:12). So, usually, mga elders ang nagli-lead ng prayers of confession ‘pag Sunday. We want to model that to you. Para kayo rin, maghanap kayo ng ibang members ng church na magiging honest rin kayo sa mga kasalanan n’yo. Nakaligtaan natin ‘yan kasi nasanay tayo na dumiretso sa Diyos at hindi kailangan sa confessional booth with a priest. Nakalimutan natin na kung paanong we pray for each other, ganun din we confess our sins to one another, “Therefore, confess your sins to one another and pray for one another, that you may be healed” (James 5:16). Bakit ka mahihiya na lumapit sa kapatid mo at sabihin ang kasalanan mo kung sa pamamagitan naman nun ay mas magkakaroon ka ng assurance na pinatawad ka na, lalo na kung maririnig mo tulad ng sinabi ni Nathan kay David, “Your sins are forgiven, kapatid.” At wag ka ring mahiya na tanungin ang kapatid mo, “Bro, meron ka bang kasalanang kailangang ihingi ng tawad? Ipagpe-pray kita at sasamahan sa pakikipaglaban.”

Forgiveness preached

Dapat masanay tayo in confessing our sins to one another and in preaching the gospel of forgiveness to one another. ‘Yan naman ang misyon ng church. Yung “making disciples” hindi lang ‘yan turuan kung ano ang gagawin natin sa pagsunod kay Cristo. Unang-una, kailangang maituro natin kung ano ang ginawa ni Cristo para sa atin, na sa kanya ay matagpuan natin ang kapatawaran: “and that repentance for the forgiveness of sins should be proclaimed in his name to all nations” (Luke 24:47). As we prepare to go the nations, dapat ‘yang gospel of forgiveness ang masanay tayo na naririnig sa church.
Tatlong bagay in particular ang tinukoy ng Belgic Confession Article 29 na mga marka o palatandaan ng isang “true church”—gospel preaching, sacraments, and church discipline. Kaya nga sa preaching of the Word every Lord’s Day, sinisikap ng mga preachers natin na tiyaking maipreach yung “pure doctrine of the gospel” (Belgic Confession). Hindi lang yung sesermonan kayo ng mga maling nagawa n’yo at mga dapat n’yong gawin (moralistic preaching yun). Kundi yung good news na merong kapatawaran kay Cristo, at yung pagsunod natin ay bunga ng overflow ng heart natin na nagpapasalamat at nagtitiwala sa biyaya ng Diyos.
At hindi lang sa preaching, pati sa mga sacraments ng baptism at Lord’s Supper. Ginagamit ‘yan ng Holy Spirit, “ordained and appointed” by God as means of grace para tiyakin sa atin “na ang kabuuan ng ating kaligtasan ay nakabatay lamang sa nag-iisang pagpapasakit ni Cristo sa krus na inihandog Niya para sa atin” (Heidelberg Catechism Q67). Ang baptism nagpapaalala sa atin (lalo na sa ibabaptize), hindi lang naririnig kundi nakikitang “visual aid” ng gospel: “our sins are removed by the blood and Spirit of Jesus Christ; but especially by this divine pledge and sign he may assure us, that we are spiritually cleansed from our sins” (HC Q73). Yung Lord’s Supper naman, paanyaya sa lahat ng mga makasalanan, at inaamin na makasalanan sila, “For those who are truly sorrowful for their sins, and yet trust that these are forgiven them for the sake of Christ” (HC Q81).
Yung church discipline ay means of grace din para marinig natin yung good news of God’s forgiveness. Kasi kukumprontahin natin ang kapatid na nagkakasala, ayon sa proseso ng Matthew 18:15-17. Kung humingi ng tawad, we assure them of God’s forgiveness at ma-restore sa fellowship. Pero kapag nanatiling unrepentant, kahit naging publicly known na sa church ang kasalanan, ang huling hakbang ay excommunication (o ex-communion, outside ng communion of saints, kaya hindi papayagang sumali sa Lord’s Supper as a family meal). Sasabihin ng iba, harsh naman yun, parang unloving. Pero dapat ipaalala sa atin na we are always ready to forgive at tanggapin ulit ang mga members na repentant. Baka sa susunod na members meeting, magdedecide tayo as a church na itiwalag ang ilang members na nagpapatuloy sa pagkakasala at ayaw magsubmit sa discipline ng church. Matatanggal sila sa membership ng church, pero patuloy pa rin tayong magri-reach out sa kanila, at iseshare sa kanila ang gospel, the good news of forgiveness we have in Christ. Tulad ng sinabihan ni Pablo na itiwalag sa church sa Corinth dahil unrepentant (1 Cor. 5:5). Sinabi naman niya sa sumunod niyang sulat, “Dapat na ninyo siyang patawarin at aliwin upang hindi naman siya tuluyang masiraan ng loob dahil sa matinding lungkot. Kaya nakikiusap akong ipadama ninyo sa kanya na siya'y mahal pa rin ninyo” (2 Cor. 2:7-8).

Forgiveness extended

At kung ikaw naman yung nagpapatuloy sa pagkakasala, wag kang matakot sa pagdidisiplina ng church. Sobrang negative kasi ang tingin natin dito. Dapat makita natin ito na positibo, kasi opportunity ito sa atin na iparanas, merong flesh-and-blood reality, yung forgiveness na ipinapangaral natin. We don’t just receive and preach forgiveness. We extend it to others. Sa mga nagkakasala sa atin, ilang beses natin silang patatawarin? Ang tanong ni Pedro, hanggang pitong beses ba? Sabi ni Cristo, “Hindi. Seventy seven times (or sa ibang salin, seventy times seven)” (Matt. 18:21-22). Hindi ibig sabihin yun ang limit, ang ibig sabihin, kung paanong araw-araw tayong pinapatawad ng Diyos sa araw-araw na nagagawa nating kasalanan sa kanya. “...magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo” (Eph. 4:32). Anak tayo ng Diyos. So, like Father, like sons and daughters (5:1).
Kung hindi ka nagpapatawad, baka hindi mo pa nararanasan ang pagpapatawad ng Diyos? Kung hindi ka nagpapatawad, paano masasabing ikaw ay anak na ng Diyos, tagasunod ni Cristo, at binabago ng Espiritu? I’m not saying forgiveness is easy. Mahirap, pero hindi imposible. Posible dahil pinatawad na tayo ng Diyos. At kung ang Diyos na banal at matuwid ay pinatawad na tayong mga makasalanan, bakit ikaw na makasalanan ay hindi magawang mapatawad ang kapwa mo makasalanan?
We live in a fallen world. Pinatawad na tayo, pero nagkakasala pa rin tayo, kaya kailangan nating paulit-ulit na marinig ang pagpapatawad ng Diyos sa atin. Ano ang kasalanang dapat mong ihingi ng tawad sa Diyos? Nagkakasala pa rin tayo sa ibang tao, kaya kailangang humingi tayo ng tawad. Kanino ka nagkasala? Paano ka hihingi ng tawad sa kanya? Nagkakasala pa rin ang ibang tao sa atin, kaya kailangang hikayatin natin sila na magsisi, at tayo naman ay maging handang magpatawad. Sino ang hanggang ngayon ay hindi mo pa napapatawad, o kung napatawad mo na pero hindi mo pa nasasabing, “Pinatawad na kita”? Hindi madali, pero hindi imposible, dahil sa ginawa ni Cristo para sa atin. Binabago tayo ng Espiritu para maging katulad niya, sa pagpapatawad at sa pagmamahal.
Related Media
See more
Related Sermons
See more